(Attempted) Extortion At The NAIA Immigration – Part 2

7th March 2007. Finally, we (with my mother and daughter) landed home safely. Pero….

Immigration Officer : Passports?

Me : Eto ho…

Immigration Officer : Anak mo ba yan?

Me : Oho. Kung ichecheck niyo hong mabuti ang passport ng bata, nakalagay ho dyan ang pangalan ko “mother”.

Immigration Officer : Alam mo ba na 30 days lang siya pwede mag-stay dito? (Iba kasi citizenship ng anak ko.)

Me : Aware ho ako!

Immigration Officer : Pero pwede mo naman i-extend yan. (Gosh! I know!)

Me : Wala ho akong balak.

Immigration Officer : Pwede natin gawan ng paraan yan, dito pa lang. (Sus! Paraan na naman, alam ko na ang tinutumbok ng matandang yun!).

Me : Kung mag-eextend man ho kami, ako na ho mag-isa ang gagawa ng paraan dun sa Bureau of Immigration!

Immigration Officer : Tinutulungan ka lang naman, ang taray mo naman Miss!

Me : Misis na ho, anak ko nga ho yan di ba?

Immigration Officer : Di na sumagot pero galit na nagtatak na padabog sa passports namin!

Nyahahaha! Kapal di ba? Akala nya maiisahan nya ako, mamuti na ang mata ko sa Airport pero di ako maglalagay! Never!

ABOUT THE AUTHOR: Blogger since 2007 | Home-based Marketing Assistant | WAHM | Ex-OFW | Music enthusiast | Cactus and Succulent Hobbyist | A 41 y/o mom of two lovely girls sharing her adventures as she walks through motherhood and having to do most things on her own while her Indian national husband works miles away from home.

Facebook Twitter LinkedIn Google+ Skype   

Related posts

12 Comments

  1. not nice experience huh!

    but what i know is, since you’re a filipina.. you can declare your hubs or child as balikbayan and they will be allowed to stay for a year without applying for a visa.

    nagbago na ba ang rules? i might read it again. 😀

    [Reply]

  2. When I made an inquiry of taking them to Pnas, yun na kasi ang sabi, that I need to apply for their visas and they can stay for 30 days only.

    I have no idea about that rule, wala naman silang nabanggit sa Embassy when I went there for the visa application. Baka nabago na…

    [Reply]

  3. princess of cj is right, when we went home last january, i just showed the visa officer our wedding certificate and hubby was given a balikbayan visa. it applies to children and spouse. so just show the wedding or birth certificate and you should have no problem. if you do, get the name of the officer and you can complain about it =)

    actually in our case, it was the immigration officer checking our passports on entry who asked us if we had the document so he can give Hubby the balikbayan visa. i didn’t know about it till then.

    [Reply]

  4. Dapat ganyan! Sana lahat ng magtravel ganyan…dapat kasi may information dissemination regarding what they do and how to counter it…

    naalala ko tuloy yung isang friend ko na pumunta ng US…may sinasabi na ipitin daw sa visa…eh ang lakas ng paniguro ng bata halos pasigaw, “Alin ho ang iipitin?” sabay pinaderetso na sya…sige na, sige na! =)) tawa ako ng tawa…yun din isang tactic…

    [Reply]

  5. @ C5 : Dapat talaga unahan sila ng tapang eh hehehe!

    @ Sexy Mom : Nakuuuu! Mas madami po ang ganyan ngayon! At lalo silang kumakapal!

    [Reply]

  6. nangyari yan nung pauwi na from manila yung sister ko at pamangkin ko. pinabayaran ba naman sila ng extra 2,000 pesos kasi daw more than 21 days ang pag stay nila sa pilipinas. sabi ng sister ko di naman dapat since filipino citizen pa rin naman siya kahit na american citizen yung anak nya kaso ayaw na lang makipag argue ng kapatid ko kasi maiiwan na sila ng eroplano nila.

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Valued Voice
CommentLuv badge