Litratong Pinoy : Kadiliman

Marahil ay nagtataka kayo kung bakit kandila ang aking lahok samantalang ang paksa sa linggong ito ay kadiliman at hindi liwanag. Naalala ko lang bigla ang sinabi ng aking kaibigan noon, sya ay iba ang relihiyon at minsan naming napag-usapan ang tungkol sa kasal. Sabi ko sa kanya pag kinasal sya wag nya akong kalimutan kahit ako na lamang ang abay nya para sa kandila. Mabilis nyang sagot “Bakit may madilim ka bang tatahakin sa buhay mo kaya’t kelangan mo ng kandila?” Hindi kasi ganun ang paniniwala nila. Para sa kanila ang kandila ay para lamang sa kadiliman, na ito ay kakailanganin lamang kung madilim ang buhay na tatahakin ng mag-asawa. Magulo ano? Di ko kasi sya masyadong naintindihan sa gusto nyang sabihin. LOL!

ABOUT THE AUTHOR: Blogger since 2007 | Home-based Marketing Assistant | WAHM | Ex-OFW | Music enthusiast | Cactus and Succulent Hobbyist | A 41 y/o mom of two lovely girls sharing her adventures as she walks through motherhood and having to do most things on her own while her Indian national husband works miles away from home.

Facebook Twitter LinkedIn Google+ Skype   

Related posts

7 Comments