Litratong Pinoy : Kinagisnan

Isa sa mga kinagisnang kaugalian ng Pinoy ang maglagay ng krismas tri at iba’t ibang palamuti sa kani-kanilang tahanan tuwing sasapit ang Pasko. Isa sa mga makikitang palamuti sa krismas tri ay ang Poinsettia.

Ito ang naging itsura pagkatapos kong mailagay ang mga palamuting Poinsettia.

At ito naman ang mga sumunod na pangyayari, ang pagpose ng aking anak sa ilalim ng krismas tri.

Ang kasuotang ito ay minana pa nya sa kapatid ko na ngayon ay 23 anyos na. Sa pagkakatanda ko, ito ay ginamit nya din ng Pasko noong sya ay 3 taong gulang pa lamang. Tama! Ang bunny costume na ito ay mag-20 taong gulang na.

At dahil wala pang mga regalo sa ilalim ng krismas ito, ito muna ang naisipan kong ilagay sa ilalim, pansamantala hehe! Pwede ding pansamantagal LOL!

ABOUT THE AUTHOR: Blogger since 2007 | Home-based Marketing Assistant | WAHM | Ex-OFW | Music enthusiast | Cactus and Succulent Hobbyist | A 41 y/o mom of two lovely girls sharing her adventures as she walks through motherhood and having to do most things on her own while her Indian national husband works miles away from home.

Facebook Twitter LinkedIn Google+ Skype   

Related posts

18 Comments

  1. ganda naman ng christmas tree. kami puro sabit sabit lang sa bahay hahaha. may mga little people kami ikaso mga babasagin at may nabasag na si andrea ko. kaya di pede idisplay. hahaha.

    Jenefer’s last blog post..Okinawan War park

  2. Paskong pasko na sa inyo! while dito sa amin corny eh, 2 weeks before Christmas usually naglalagay ng tree 🙁

    cute ng daughter mo sa pamanang bunny suit! (^0^)

    Thess’s last blog post..Liwanag sa Fuerza de Santiago (LP 30)

  3. Huwaaaaw! Paskung-pasko na sa inyo.
    Ilang taon na rin ako di nakakapag-Pasko sa atin sa Pinas. Dito, walang Pasko. Ordinary day ang Dec 25 kaya work pa rin kami. Buti na lang may mga palamuting ganyan na pinadala ang nanay ko dito kaya kahit papano ay Pasko pa rin sa apartment ko.

    Sreisaat’s last blog post..Litratong Pinoy #16: Kinagisnan

  4. LOL Toni! Naghahanap kasi kami nung nakaraang linggo ng mga lumang Xmas decor sana kaso puro patapon na, yan ang nakita namin hahaha!

  5. Naku expert ang nanay ko basta usapang “taguan” haha! Believe me andami nya pang nakatagong damit na uso noon na bagong bago pa. Hintay ko lang ngang mauso ulit eh haha!