Litratong Pinoy : Lakad

Sa tuwing aalis kami, sa halip na lumakad, hilig ng anak ko ang magpakarga. Pero naman pag naisipang lumakad, asahan mo ayaw nyang magpapahawak. Mas gusto nya ang maglakad ng mag-isa. Dahil dito, nakatuwaan ko ng kunan sya ng litrato sa tuwing sya ay maglalakad ng mag-isa na animo’y matanda na at kaya na ang sarili nya.

Ang unang larawan sa itaas ay kuha sa India noong huli kaming bumisita doon.

Ito namang pangalawa ay kuha sa walkway palabas ng SBMA (Aura Gate) pagkatapos ng kanilang klase ng Biyernes, kung saan sila ay nakauniporme ng pang-PE.

Ito naman ang kuha noong kami ay pumasyal sa Ocean Adventure.

Aba! Hindi sya nag-iisa dito! Huwag kayong magulat, ito ay may pahintulot ng mga magulang hahaha! Siya ang “buddy” ng aking anak magmula noong pasukan pa ng summer.

ABOUT THE AUTHOR: Blogger since 2007 | Home-based Marketing Assistant | WAHM | Ex-OFW | Music enthusiast | Cactus and Succulent Hobbyist | A 41 y/o mom of two lovely girls sharing her adventures as she walks through motherhood and having to do most things on her own while her Indian national husband works miles away from home.

Facebook Twitter LinkedIn Google+ Skype   

Related posts

15 Comments

  1. Nakakatuwa naman kasi isa sa mga hilig kong kunan na subject kapag hawak ko ang camera ay iyong mga nakatalikod πŸ˜‰

    Nakakatuwa talaga ang mga bata kapag minsan pakiramdam nila ay independent na sila. They are proud of themselves for being able to do something on their own.

    Happy LP po!

    Nortehanon’s last blog post..LP6: Lakad

  2. nakakatuwa yung anak mo, seryoso sa paglalakad at talagang pinagmasdan sya ng mga indians πŸ™‚

    salamat sa komento sa aking lahok!

    Magandang Huwebes πŸ™‚

    shie’s last blog post..LP : LAKAD