Litratong Pinoy : Luma Na

Siyam na taon na ang nakakaraan ng natapos ko angΒ  cross stitch na ito. Bagama’t luma na, ito ay nakatago pa din sa kahon ng aking mga alaala. Pansinin ninyo ang kulay, may bakas na ng nagdaang panahon, hindi na puti. Tulad ng aming nakalipas, may bahid ng di magagandang alaala. Ipagpaumanhin po ang pagbura ko sa pangalang katabi ng puso. Ito sana ay ibibigay ko sa “kanya” pero di ko na nagawa dahil sa kinailangan ko ng umalis ng bansa noon para mangibang bayan at makipagsapalaran, at para na din sa matiwasay na paghihiwalay, minarapat kong wag na lang. Kasama ng cross stitch na ito ang mga alaala ng nakalipas. Sa katunayan, ginawan ko pa ito ng digital scrap layout hehe! Pakipindot lamang po dito.

ABOUT THE AUTHOR: Blogger since 2007 | Home-based Marketing Assistant | WAHM | Ex-OFW | Music enthusiast | Cactus and Succulent Hobbyist | A 41 y/o mom of two lovely girls sharing her adventures as she walks through motherhood and having to do most things on her own while her Indian national husband works miles away from home.

Facebook Twitter LinkedIn Google+ Skype   

Related posts

24 Comments

  1. 1996 nang matuto akong mag cross stitch, pero ang pangit talaga ng una kong nagawa kaya hindi na nai-frame. Miss ko na mag cross stitch. Kaso wala na akong oras pa mag cross stitch, kasi naman babad na ako sa Internet.

    Ang aking lahok ay naka-post na dito. Dumalaw na rin ako para sa kapatid ko, ang kanyang lahok ay naka-post dito. Sana makadaan ka. Happy LP!

    *** Jenn ***

    ShutterHappyJenn’s last blog post..Luma Na (Old Already)

  2. Hi Ces! Di sa pagyayabang, pulido akong gumawa {pero mas magaling nanay ko} kaso lang wala akong tyaga. Isa lang ang nagawa kong super laki, pero ang nanay ko ang dami na lahat pagawa sa kanya.

  3. Hi Jenn! Ako naman natuto nyan nung first year college ako, influenced ng ilang kaibigan at later on ako na yung hooked with it, di na sila hehe!

  4. Hi JennyL! Di yan nakaframe kaso I was supposed to give it to him nga, eh nitong paguwi ko lang ulit ko nakita sa taguan ko hehe! Kung ipaframe ko pa, there’s no point kasi it’s over na. πŸ˜€