Litratong Pinoy : Maalaala Mo Kaya

Siya si Putong. Labindalawang taon na sya. Isang munting alaala mula sa dating kai-bigan, mapait na alala… dahil ang dating kai-bigan na sinasabi ko ay di naging tapat at ang pinakamasakit sa lahat ay kaibigan ko pa. Isang matalik na kaibigan. Noong panahon na malaman ko ang namamagitan sa kanila, kasabay ng sa amin, isinoli ko lahat ng regalo nya. Binura ko sila sa lahat ng litratong nasa akin pero si Putong naiwan. Di ko alam kung paano nangyari pero naiwan sya. Sa mahabang panahon na nangibang bayan ako, di ko ito nakita hanggang sa ako ay nagbalik…. Habang nag-aayos ako ng mga luma kong gamit, ito ang bumungad sa akin. Gusto ko ng itapon kasama ng di magandang alaala pero di ko magawa. Naaawa ako kay Putong. Kung ako ikaw, itatapon mo ba sya?

ABOUT THE AUTHOR: Blogger since 2007 | Home-based Marketing Assistant | WAHM | Ex-OFW | Music enthusiast | Cactus and Succulent Hobbyist | A 41 y/o mom of two lovely girls sharing her adventures as she walks through motherhood and having to do most things on her own while her Indian national husband works miles away from home.

Facebook Twitter LinkedIn Google+ Skype   

Related posts

33 Comments

  1. Wahahaha! At natawa ako dun! Iba yung si cross-stitch, mas nauna ito haha! Ikaw ha napatawa mo ako dun. :p

  2. hindi ko itatapon,i do donate ko na lang para naman may magbigay sa kanya ng Hug. πŸ™‚

    FickleMinded’s last blog post..LP#7:Maalala Mo Kaya? (Do You Remember?)

  3. malamang ay naiwan sya para maging alaala ng mga leksyong iyong natutunan nung mga panahong iyon.

    purplesea’s last blog post..LP 32: Maalala Mo Kaya

  4. Cute naman ni Putong!

    sa tanong mo kung ako ay hindi ko ipapamigay si Putong. Souvenir na lang yan kagaya ng souvenirs na naiwan sa akin ng ex…marami naman tayong natutunan sa nakaraan, charge to experience di ba.

    Happy LP sa iyo..nakaka touch ang entry mo πŸ™‚

    Thess’s last blog post..Bago nga (LP)