OFW

Overseas Filipino Workers. Sa mata ng karamihan, masarap ang buhay. Pero kadalasan homesickness ang kalaban. “Tagal mo na dyan” sabi ng iba. Yun nga ang tanong, hanggang kelan? Sabayan pa ng mapang-inis na linyang “painom /pakain ka naman dyan, dami mo ng pera, mayaman ka na”. Naisip kaya ng mga taong ito na kung ang isang OFW ay mayaman na, sa tingin mo kaya magtitiis pa silang magtrabaho sa malayo? Haaay! Ang mentality nga naman sa atin. Kung minsan nakakapikon. Lalo na kung magbabakasyon ka. Dumarami ang kakilala. Dumarami ang kamag-anak. Pero kung naghihirap nga, ni hindi sasagutin ang mga tawag mo.

PERA. Masakit isipin na yan ang batayan ng karamihan sa hindi pa nakakaranas maging OFW. Pera. Limpak-limpak na pera. Aba eh kung di natin sana ginagastos yung sweldo natin, malamang talaga sobra pa sa limpak-limpak na pera ang meron tayo ngayon.

UTANG. Mabalitaan pa lang na magbabakasyon at di pa man nakakauwi may nangungutang na. At pag tumanggi ka dahil may pangangailangan ka din sa pamilyang naiwan mo sa Pnas, iba pa ang iisipin sayo. Kapag pinautang mo na, ibabaon naman sa limot.

PASALUBONG. Extended family. Korek! Pasalubong kasama ang mga extended families. Sakit sa bulsa. Mabuti sana kung kahit maliit na bagay naipagpapasalamat. Bigyan mo ng isang paketeng sabon, ni di ka pa mangitian. Hay! Asan ang kunswelo?

MALASAKIT. Ito? Kelan kaya ito maikakabit sa tawag na OFW? Isama mo pa dyan ang pag-aalala.

Sana malapit na….

ABOUT THE AUTHOR: Blogger since 2007 | Home-based Marketing Assistant | WAHM | Ex-OFW | Music enthusiast | Cactus and Succulent Hobbyist | A 41 y/o mom of two lovely girls sharing her adventures as she walks through motherhood and having to do most things on her own while her Indian national husband works miles away from home.

Facebook Twitter LinkedIn Google+ Skype   

Related posts

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Valued Voice
CommentLuv badge