Teething Hassles

Nakakapraning yung stage when babies are teething. In my case, medyo panatag ako coz my mom was here at that time.

Pero ngayon, meron na namang 3 palabas sa taas, at isang nakalabas na. I think it’s the “bagang”.

When we were on vacation (2 months ago), she had this on and off fever. Syempre paranoid ako kasi nasa Pnas. Baka kako na-dengue na or something. It actually started a week before we left here. Kaya nagbyahe kami dalawang bote ata ng Paracetamol drops ang baon ko sa bag. I was lucky na hindi na-confiscate sa airport. There was another mom kasi na nakuha daw yung kanila. And it so happened na yung 3 year old boy nya may lagnat . We were at the boarding gate, and I noticed na tingin sya ng tingin. But I just ignored it. Yun pala she wanted to approached me and ask kung may paracetamol ako kasi nga I was carrying my daughter with me. Good thing I had. So I gave one to her. Pero binalik naman nya after a while. We met in the plane again and she was so thankful coz the fever had gone down.

Nakakapraning talaga kapag maysakit ang bata. Totoo pala yung feeling na you’d wish na ikaw na lang ang maysakit instead of them lalo na kung di pa nakakapagsalita ang bata.

Another instance when we were coming back to Bahrain. Again, may lagnat sya. Kung bakit naman tuwing babyahe saka nilalagnat. Imagine, long hours of trip na bitbit ko ang baby ko. Going home was fine coz my mom was with me, pero pabalik kami na lang and ang mali ko I left her stroller to give away to my mom’s friend who just gave birth. I was thinking na tutal naglalakad na sya so okay lang.

Man! Ang hirap! We left home (Olongapo) at 7am, coz our flight was at 4pm, and they require 4 hours check-in before the flight. Para sure mas inagahan namin kung may traffic man. At Huwebes Santo pa yun, kaya kakatakot. We reached on time only to tell us na flight is delayed for 2 and a half hours. OMG! Buti na lang nakiusap ako na kung pwedeng lumabas ulit, and I used my daughter as an alibi. Imagine, waiting in the van for hours, mainit tapos may lagnat ang bata.

Lesson learned. Next time wag ng bumyahe pag maysakit ang bata. But the thing was I had to be back on time as booked, otherwise my boss would have scolded me.

Sana etong mga palabas pa lang na ngipin won’t put her in pain like previously. Kasi kawawa naman…

🙁

Continue Reading

Mother’s Love

Yesterday, I was posting in our forum and there was a question left in Ask The Replier A Question Game, and it goes like this “Do you think all mothers are loving?” I thought for a second and replied, “I think so, in their own ways”.

Yes, in their own ways. Mothers are different. Some are showy. Some are over-protective. Some are stage moms. Some are strict. Some are sweet. Some are naggers. I guess, words are not enough to define “mother’s love”.

As I have posted in my other blog, you will never realize how hard it is until you become a mother.

I’d say my mother has all the definitions that I have mentioned, but in her own ways.

She is showy. She loves to update people about me and how I am doing miles away. She shows all the people she knows our photos, especially when I just had my baby. She would carry our photo album with her and show them what I’ve got.

She is or I’d say “was” over-protective. Those days, I didn’t understand why. But she would always say “pag may nangyari sayo ako ang sisisihin ng daddy mo”. Maybe bcoz she raised us alone. My father was in Saudi for more than 20 years and she did manage.

She is a stage mom. She’s never “missing in action” in every school programs I am in. She would buy herself a nice dress and make sure she’s presentable. So when people ask “Michelle, where is your mother?”, I’ll be proud. She actually succeeded. People would say she’s prettier than me hahaha! I think it’s her nose hehehe! You be the judge.

She is sweet. In her own ways. On my wedding day, she gave us the “The Wedding” cross-stitch, made by herself. It was made and finished a year before I got married. As soon as I told them we are getting married next year, she started stitching it and devoted her time doing it.

She is a nagger. Oh! Don’t ask me! She can be the worst mother when she’s mad hahaha!

But one thing I love about her. She is my bestfriend. She knows everything about me. My first boyfriend. My first kiss. My first break-up. Everything. Just everything.

Continue Reading

When A Man Loves A Woman

Last night this movie was shown on MBC2 and for the nth time, pinanood ko ulit. It moved me. Kahit na ilang beses ko nang napanood. My heart goes to the husband. He’s so ideal.

Hay! Kaya ayokong nanonood ng mga drama, nadadala ako. And mind you that was around midnight hehehe!

Continue Reading

Simple Yet Satisfying Pleasures

Selecta ice cream… sarap nito! Naalala ko lagi akong nagpapabili sa mommy ko nito kasi di kasya yung baon kong pambili ng Selecta, ganda pa ng lalagyan. Pero ngayong may trabaho na ako at kaya nang bumili ng Selecta ice cream, bakit mas hinahanap-hanap ko yata ang “dirty ice cream”?

Text messages, emails, chatting… masarap isipin na kahit malayo ka sa pamilya mo madami ng paraan para magkaroon ng communication. Sa ganda ng technology ngayon, iba na talaga. Super bilis pa di ba? Pero bakit hinahanap-hanap ko pa din yung sulat na pinapadala sa akin noon. Yung airmail talaga, kasama na dun yung mga Christmas at Birthday cards na natatanggap ko. Di tulad ngayon puro e-cards na lang. Kung nasa abroad ka, bida ka kapag madami kang natatanggap na sulat at greeting cards.

Nung bata ako, gusto ko naglalaro lagi ng barbie dolls. Lahat ng mamahaling laruan yata noon pati na robot at lego nabibigay sa akin. Pero di pa din ako masiyahan. Kung anong makita sa classmate ko gusto ko magpapabili din ako agad sa daddy ko, tutal kako nasa Saudi naman siya. Akala ko noon mayaman na kami. Ngayon, pag nakakapanood ako ng mga bata sa TV na wala ng laruan maaga pang nagtatrabaho, maswerte pala akong di hamak kasi nakapaglaro ako ng barbie dolls noon. At saka mahirap pala ang nasa Middle East, akala ko lang madali dahil lahat ng gusto ko noon binibigay ng daddy ko.

Nung nasa Pilipinas pa ako, gusto ko lagi kumakain ng karne di kaya’y mga pagkain sa fast food chain. Ayoko pag tuyo na naman ang ulam. O kaya talong na may bagoong. Ngayong nandito ako sa ibang bansa, tuwing may uuwi sa atin, nagbibilin ako ng tuyo at bagoong. Masama ang loob ko pag di ako nadalhan.

Madami pa… di mabilang ang mga bagay na di natin pinapansin o kaya naman huli lagi sa priorities natin. Pero kita niyo, dadating ang araw, maiisip niyo din ang naiisip ko ngayon, mas okay pa din pala talaga yung “simple but satisfying pleasures”.

Minsan kasi we just keep our eyes focused on things that we can’t even afford, or should I say we try to afford kahit di talaga kaya basta makasunod sa fad. Read these thoughts twice or maybe thrice, and recall the simple things you have missed in your life, maybe you will learn how to appreciate and value the simple ones first…

Continue Reading