Text messages, emails, chatting… masarap isipin na kahit malayo ka sa pamilya mo madami ng paraan para magkaroon ng communication. Sa ganda ng technology ngayon, iba na talaga. Super bilis pa di ba? Pero bakit hinahanap-hanap ko pa din yung sulat na pinapadala sa akin noon. Yung airmail talaga, kasama na dun yung mga Christmas at Birthday cards na natatanggap ko. Di tulad ngayon puro e-cards na lang. Kung nasa abroad ka, bida ka kapag madami kang natatanggap na sulat at greeting cards.
Nung bata ako, gusto ko naglalaro lagi ng barbie dolls. Lahat ng mamahaling laruan yata noon pati na robot at lego nabibigay sa akin. Pero di pa din ako masiyahan. Kung anong makita sa classmate ko gusto ko magpapabili din ako agad sa daddy ko, tutal kako nasa Saudi naman siya. Akala ko noon mayaman na kami. Ngayon, pag nakakapanood ako ng mga bata sa TV na wala ng laruan maaga pang nagtatrabaho, maswerte pala akong di hamak kasi nakapaglaro ako ng barbie dolls noon. At saka mahirap pala ang nasa Middle East, akala ko lang madali dahil lahat ng gusto ko noon binibigay ng daddy ko.
Nung nasa Pilipinas pa ako, gusto ko lagi kumakain ng karne di kaya’y mga pagkain sa fast food chain. Ayoko pag tuyo na naman ang ulam. O kaya talong na may bagoong. Ngayong nandito ako sa ibang bansa, tuwing may uuwi sa atin, nagbibilin ako ng tuyo at bagoong. Masama ang loob ko pag di ako nadalhan.
Madami pa… di mabilang ang mga bagay na di natin pinapansin o kaya naman huli lagi sa priorities natin. Pero kita niyo, dadating ang araw, maiisip niyo din ang naiisip ko ngayon, mas okay pa din pala talaga yung “simple but satisfying pleasures”.
Minsan kasi we just keep our eyes focused on things that we can’t even afford, or should I say we try to afford kahit di talaga kaya basta makasunod sa fad. Read these thoughts twice or maybe thrice, and recall the simple things you have missed in your life, maybe you will learn how to appreciate and value the simple ones first…