All About WSP

Litratong Pinoy : Luma Na

Siyam na taon na ang nakakaraan ng natapos ko angย  cross stitch na ito. Bagama’t luma na, ito ay nakatago pa din sa kahon ng aking mga alaala. Pansinin ninyo ang kulay, may bakas na ng nagdaang panahon, hindi na puti. Tulad ng aming nakalipas, may bahid ng di magagandang alaala. Ipagpaumanhin po ang pagbura ko sa pangalang katabi ng puso. Ito sana ay ibibigay ko sa “kanya” pero di ko na nagawa dahil sa kinailangan ko ng umalis ng bansa noon para mangibang bayan at makipagsapalaran, at para na din sa matiwasay na paghihiwalay, minarapat kong wag na lang. Kasama ng cross stitch na ito ang mga alaala ng nakalipas. Sa katunayan, ginawan ko pa ito ng digital scrap layout hehe! Pakipindot lamang po dito.

YOUR DIGITAL MOM NEXT DOOR
A full-time home-based Marketing Manager by day, 24/7 Mom, and a Blogger at any time. Iโ€™m 42 and proud. Mom of Derelle & Erchelle, sharing my adventures as I walk through motherhood and having to do most things on my own while my Indian national husband works miles away from home.

24 Comments





Shares