Tatlumpung-isang taon na ang nakakaraan…
Ng ika’y maging isang ganap na ama ng tahanan.
Tuwa at galak na naramdaman,
Sa unang pagkakataon, noon pa lamang.
Tatlong taon mula noon…
Iyong hinarap isang malaking hamon.
Paa’y napadpad sa dako paroon,
Upang iyong kabiyak at anak ay di magutom.
Sa kamay ng mga Arabo, ikaw ay nagsilbi.
Pawis at pangungulila, hindi atubili.
Labing-pitong taong nakalipas, ika’y nagbalik.
Sa piling ng iyong pamilyang, lubos ang pananabik.
Panahong sinubok, pagsasamang pinagtibay.
Sa mga pagsubok, di nagkawalay-walay.
Tatag at pagmamahal, sadyang malakas.
Kahit anong unos, siguradong makakatakas.
Sa aking alaala, pilit na nagbabalik.
Tulang iyong nilikha, di maalis sa aking isip.
Isang walang katumbas na “pabaon”,
Noong ako’y labing-walong taon.
Ngayon ay araw mo, aking mahal na ama,
Walang mahihiling pa, wala na, wala na…
Sa patuloy mong pagtaguyod, gabi ay ginagawang araw.
Kung muli akong mabubuhay, pipiliin pa rin ay ikaw.
huwaw, ang lalim naman ng mga salita hehehe…
@ Kimmy : hirap ah! luha ang nanalaytay sa aking mga pisngi habang “tinatayp” ko ang mga katagang yan. hahaha!
mitch, great poem for a papa. such a great child u are that u have that lots of things to say for a da. i admire u and ur da…don’t know if ever can say anything like that for mine.
naks. hehe… i never really attempted to write in filipino kasi feeling ko napaka-cheesy ng mga masusulat ko pag seryoso. okay pa siguro kung conversational filipino… which gives me an idea… ah! i have too much to do to start another blog.