Package

7 ka lang nun. 17 naman na ako. Ready ng mag-college. Di ko malimutan. Hanggang ngayon. And it kills me tuwing maaalala ko. Wala namang may gusto nun, believe me. Gusto lang nila na meron ako ng lahat na kakailanganin ko. Kung magagawa lang nila yun ngayon, I’m sure gagawin nila yun sayo.

Sino bang makakalimot nun? It was late afternoon. Checked your backpack. Mabigat. Sobrang bigat. Nagduda ako. What could it be? Pagtingin ko, pencil case pala. Pero bakit ambigat? Binuksan ko. Daming coins. Karamihan tig-dos. Yung may kanto pa ang meron nun. Nakakapagtaka, bakit ang dami? Tinanong kita. San galing ‘tong mga ‘to? Sabi mo iniipon mo? Lahat? Sabi mo yung iba galing sa alkansya kinuha mo at inipon. Yung iba galing sa baon mo. Sa isang banda natuwa ako. Sa isang banda nagtataka. Tinanong kita ulit kung bakit. Sabi mo kasi bibilhin mo yung rubber shoes na nakita mo sa palengke. Tapos bigla ka ng umiyak. Naiyak na din ako. At lalong nagsikip ang dibdib ko nung sabihin mong kasi yung package puro para sayo, mas madaming pink kesa green na kulay. Alam mo na ang green na highlight para sayo. Ang pink naman para sa akin. Sabi mo pa kaya nag-iipon na lang ako para mabili ko yung gusto ko.

Nakakapanghina. Nakakasakit sa loob na ang isang batang tulad mo nakapag-isip ng ganun. Tulad ng ganun. Naguilty ako. kahit alam kong di naman talaga nila intensyon na maging ganun.

Simula nun, sinabi ko sa sarili ko hangga’t kaya ko ibibigay ko lahat, para sayo. Kahit mahirap gagawin ko. Alam ko hanggang ngayon, nasa isip mo yun. Nababasa kita. Pero masaya na din ako kasi di ka galit sa akin. Di naman di ba? Sana nga hindi ka galit. Kasi ako ang unang malulungkot. Pramis!

Sana mabasa mo ito. Somehow, sana malaman mo na worried ako hanggang ngayon para sayo. Alam kong nasa isip mo pa din “yan”. Yung package.

Sana hindi na ha? Gusto ko maging maayos ka. Gusto ko the best lahat para sayo kasi nag-iisa ka.

Continue Reading