All About WSP

Litratong Pinoy : Puti At Itim






Ang tema ngayong Huwebes ay Puti at Itim. Itim at Puti. White & Black. Black & White. Matagal akong nag-isip kung ano ang aking lahok. Ang unang pumasok sa isip ko ay ang litrato kong black & white noong ako ay nagtapos ng “kinder” ngunit sa kadahilanang pagkaramdam ko ng hiya para ipakita ang itsura ko noon, nagbago ang isip ko. Kaya naman eto na lang ang kinunan ko.

Yan ang aming unang telebisyon na black & white pa. {Ipagpaumanhin po ang bahid ng alikabok na inyong nakikita hehe!} Kung di ako nagkakamali ay kasing-edad ko siya. 32 years old. Sa di ko malamang dahilan ito ay nakatago pa sa bodega magpahanggang ngayon. Madaming beses ko ng sinabihan ang akin ina na itapon na ito, pero hayan at buong-buo pa, di na nga lang umaandar.

ABOUT THE AUTHOR
Marketing Manager at Adventures Beyond Group | WAHM | Ex-OFW | Music Enthusiast | Cactus and Succulent Hobbyist | Hello Kitty Lover | A 42 y/o mom of two lovely girls sharing her adventures as she walks through motherhood and having to do most things on her own while her Indian national husband works miles away from home.



36 Comments





Shares