
She was crying this morning. Just bcoz of one thing, her “bo” (I simplified it from the word “baho”, kasi nga ambaho na ayaw nya bibitawan hehehe, and she got used to that name na).
>>> This foto was taken when she was just around 4 months. We noticed na kahit anong unan ang ilagay namin, yan ang pilit nyang inaabot at niyayakap.
Back to this morning’s tantrums, she was crying kasi nilabhan namin. And she saw her dada putting it in the machine. If you’ll see its state, ewww hahaha! You know the smell of the spilled dried milk, ganun maasim-asim. Hahaha! She would carry her bo around the house, as in parang celfone na di malayo-layo sa kanya kung icocompare sa mga mobile addicts. :p
Can’t blame her. Namana nya ata sa akin yan. I had this fave blanket and pillow case when I was still small. Ayoko kasi ng makinis na surface like tiled floors. So my dad bought me a blanket na pwede kong apakan everytime na nasa sala ako. If I’m not mistaken they named it “pugad” kasi daw para akong ibon na laging nasa pugad at naglilimlim hahaha! Sad to say di ito umabot ng buhay bago ko ma-reach ang adolescence stage, bumigay at nagkapunit-punit hehehe! But this pillowcase? Naku! Nadala ko pa yun sa boarding house when I went to college. At syempre nasermunan ako ng mother ko. Di na daw ako nahiya, gula-gulanit na dinala ko pa. Di kasi ako makatulog kung di yun ang punda ng extra pillow ko.
Kaya naman di ko masisi si Derelle sa “kabaliwan” nya sa pillow nya.
Oh well! Blame it on our pillows hahaha!